Thursday, June 10, 2010

Pusong Sugatan at Banal

Bakit po ganun?
Pinili Mong masugatan
ang Puso Mong umiibig sa lahat?
Na hinayaan Mong nagdurugo
hanggang sa mga oras na ito?

Masidhi po ba ang ninanais Mo
para sa sangkatauhang
nagkasala sa 'Yo?
Hindi Ka po ba nagsasawang
magmahal?

Siguro nga'y
ito ang nais Mo sa akin--
na makita ko ang lahat
ng dapat kong makita
sa Iyong Pusong Banal at walang hanggan;
na magmahal sa lahat
ng walang pakundangan
at walang kahit anong reklamo.

No comments:

Post a Comment

Followers

Heads' Up!