Nagtataka siguro kayo kung bakit tinatawag kong "Grassroots Project " ang ginagawa ko ngayon. Eto ang aking dahilan sa likod ng pangalan.
Ayon sa Merriam-Webster Online Dictionary, ang salitang "grassroots" ay nangangahulugang "basic" o "fundamental". Sa madaling salita, makabago, simple, nagsisimula pa lang. Pwede rin itong maisalin sa "original" at "sariling-atin". Alam ko na medyo off-the-topic ang mga pagsasaling ito, pero kahit papaano, malapit ito sa mga orihinal nitong kahulugan.
So, bukod dito, bakit ko naisip ang salitang "grassroots" para sa aking pagpupugay sa Buwan ng Wika?
Sa totoo lang, bigla ko na lang naisip ang salitang iyon upang magkaroon ng uniqueness ang aking gagawin sa mga susunod na araw; pero, naisip ko rin na hindi ako nagkamali sa pagpili ng salita dahil malalim din siguro ang aking pinaghuhugutan. Naaalala n'yo yung una kong editorial sa wikang Filipino? Double-meaning ata yun para sa akin, eh; of course, given na ang dahilan na Filipino ang aking mater lingua.. Kaya ako na-enganyong mag-blog ay dahil sa blog ni Fr. Abe Arganiosa na may pamagat na "The Splendor of the Church", na isang apologetic blog dahil na rin sa pagsagot niya sa mga binabatong tanong ng kanyang mga followers at mga kritiko sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Dahil sa kanya, na-expose ako sa mga bagay ukol sa Simbahan, pati na rin ang mga karaniwang akusasyon at misconcepcion sa Simbahang itinatag ni Kristo sa pamamagitan ni San Pedro. Ito rin ang una kong naging specialization nang sumali ako sa 100% Katolikong Pinoy (dahil ang pagiging pro-life at liturgy-lover ko ay sumunod sa pag-aspire ko na maging apolohista).
Bukod dito, isa rin itong pagpupugay, pagpapaliwanag, paglilinaw, at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa aking buhay at saloobin, at sa mga mahahalagang diskurso sa mga kapwa kong ordinaryong mamamayan at mananampalataya, kaya't mayroon rin akong mga maisusulat na mga anekdota at panitikan, partikular na sa huli ang mga tula (okay, mukhang mano-nosebleed na kayo sa lalim ng mga 'to! hahahahaha).
Kaya't nais ko sanang anyayahan kayo na tangkilikin ang "Grassroots Project" dito sa Media, Society, and God!
No comments:
Post a Comment