Dear Lolo Pepe,
Una sa lahat, binabati ko po kayo sa iyong 150th birthday. Ang tanda nyo na po pala, no? Kasing-tanda na siguro ng iyong buhay sa mundo ang patuloy na panghihimasok ng mga dayuhan sa amin. Pano ba naman kase, ang China mukhang may plano pong agawin sa atin ang Spratlys; eh mas malapit yun sa ating bansa kumpara sa kanila. Ewan ko nga po kung tukoy na ba ang mga motibo nila....
Anyway, ang ikli lang pala ng binuhay mo--35 years--pero andami mo nang nagawa sa napakaliit na panahong namumuhay ka sa lupa; ang pinakadakila na po siguro sa mga ginawa nyo ay ang pagsulong ng nasyonalismo sa aming mga Pilipino. Kaso nga lang po ngayon, nami-misinterpret na po kayo; dumating na nga po sa puntong dahil sa pagiging die-hard fans nila sa'yo, ultimong sinuot mo nung pinatay ka sa Luneta, ginawa nilang costume at nanggulo pa sa Misa. Hindi nyo nman po ginawa yun kahit sobra ang kritisismo na ginawa mo sa kaparian noon. Kungsabagay, nakakalimutan po siguro ng ilan sa mga "fans" mo na ibang klaseng kabayanihan ang nais mong ipakita sa mundo--isang kabayanihang hindi nangangarap na magkamit ng kapalit. Nawa'y magabayan tayo ng Santatlong Diyos upang maisagawa natin ang nasyonalismong kayo ang nagsimula.
Grabe pala po ung media exposure na binigay sa inyo! Yun nga lang po, baka hanggang doon lang. Kaya lang nila siguro ginagawa yun ay dahil 150 years old na po kayo. Pagkatapos ng June 19, magkakaroon pa po ng hangover ang mga historyador na nananaliksik sa inyo kinabukasan. Sana nga lang po, mag-tuloy-tuloy po eto at hindi matapos sa pagdiriwang ng birthday nyo.
Nagpapasalamat din po ako at nabuhay at naging bahagi ka ng ating kasaysayan. Kung hindi po kayo nanindigan, wala po siguro akong naipasang thesis nung High School, o hindi siguro ako natuto ng values formation na naka-sentro sa mga sinulat nyo at hindi po siguro ako naka-uno dun.
Sige po. Eto na lang ang masasabi ko: Happy Father's Day po at Happy Birthday, Lolo Pepe!
Lubos na gumagalang,
Ian Riñon.
P.S.: Nagsulat din pala po si Sir Bitz tungkol sa'yo.
No comments:
Post a Comment