Saturday, August 21, 2010

Sino ang Nag-Preside sa Konsilyo ng Jerusalem?

Malamang ay alam ng mga Katolikong nakakaunawa sa Bibliya na ang pinakaunang konsilyong apostolika (Apostolic Council) ay ang Konsilyo ng Jerusalem, na mahahanap sa ika-15 kabanata ng mga Gawa ng mga Apostol (tal. 1-29): sa katunayan, ito lang ang konsilyong mahahanap sa Banal na Kasulatan. Nauunawaan rin ng bawat mananampalataya na na ibinigay ni Jesu-Kristo kay San Simon Pedro ang kapangyarihang mamuno sa Simbahan sunod sa Kanya (Mat. 16:18-19), tulad ng kapangyarihang ibinigay ng Paraon ng Egipto kay Jose sa Lumang Tipan (Gen. 41:38-44).

Kung tutuusin, sa isang organisasyon, ang pinuno ang may huling salita sa mga bagay na pinagde-debatehan ng lahat ng miyembro nito; ngunit sa kaso ng Council of Jerusalem, si Santiago, ang unang Obispo ng Jerusalem (at nagsilbing host ng konsilyo), ang huling nagsalita--at nagdesisyon na magpadala ng sulat sa mga Gentil (Gawa 15:22-29)--at hindi si San Pedro--ang unang Obispo ng Roma, unang Santo Papa, at unang Vikaryo ni Kristo. Bakit ganun? Ibig bang sabihin ng Kasulatan, si Santiago ang pinuno ng sinaunang Simbahan?

Hindi.

Sa pagpupulong, hindi naman sinapawan ni Santiago ang kapangyarihan ng kanyang kaibigang si San Pedro: sa katunayan, siya ang naging kunsintidor sa argumento ni Pedro. Sa madaling salita, sang-ayon si Santiago kay Pedro nang hindi nag-o-overrule sa konsilyo; dahil nirerespeto niya ang authority ni San Pedro; dahil si Santiago mismo ang nakakita sa pagpili ng kanilang Guro kay Simon Barjona bilang maging batong simbolo ng paghahari Niya sa Simbahan sa habang panahon.

Ngayon, i-apply natin ito sa pang-araw-araw na sitwasyon.

Mayroong isang barkada na may mabigat-bigat na problema (ipalagay natin, mayroon silang project sa isang subject); ang lider ng grupo ay may suggestion sa kung papaano paghahati-hatian ng bawat miyembro ang kanilang gagawin. Sa isang iglap, may pumasok sa utak ng isa sa mga kasama nila na nagsabing, "Pwede rin. Ano kaya kung gawin natin yung sinabi niya?" Ibig bang sabihin nun ay siya na ang lider? Hindi siguro. Isa pang example: Mayroon akong grupong hina-handle, at may nag-initiate na ayusin ang mga contacts namin. Ibig bang sabihin nun, siya na ang magte-take over? Hindi. Respetado niya pa rin ako, at eto pa--kinredit ko sa kanya ang pagi-initiate ng aksyong iyon.

Ibig lang sabihin ng mga sinabing ideas, ganoon din ang nangyari sa Konsilyo ng Jerusalem. Si San Pedro pa rin ang tagapangulo, at inapprove niya ang sinabi ni Santiago dahil sang-ayon ito sa kanyang mga argumento. Kungsabagay, gagawin ba ni Santiagong i-challenge ang primacy ni San Pedro (ibig sabihin ng primacy, pantay-pantay ang bawat miyembro pagdating sa ranggo, at nabuo lang dahil sa pangangailangan ang isang lider), kung ang tangi niyang hangarin ay ang sumang-ayon sa argumento at magpahayag ng saloobin? Hindi ibig sabihin na sa pagiging lider, kailangan na manggaling sa kanya ang desisyon ng lahat (pwera na lang kung siya ay isang diktador). Siya pa rin ang namumuno sa isang organisasyon/institusyon kahit hindi siya ang nag-desisyon (dahil ang lider ang pinakapunong kasapi; at ang pagiging kasapi ay ang pagiging bahagi ng iisang hangarin), maliban na lamang kung may masamang nangyari sa kanya o nagbitiw siya sa pwesto sa kahit anong dahilan.

Samakatwid, hindi kinakailangan na maging lider ka para kumilos: kinakailangan lang ng initiative para maisakatuparan ang inaasam ng isang grupo o mangyari ang dapat na mangyari.

No comments:

Post a Comment

Followers

Heads' Up!