Saturday, February 12, 2011

Umaasa

Hindi na ako umaasang
magiging akin ka kaagad.
Kungsabagay,
wala ito sa plano ko,
at hindi naman ito
hangad ng puso ko.

Nabulagan ako ng mundo,
ngunit pilit pa rin akong
natututo.
May magagawa ako,
kailangan ko lang itong
hanapin at pagnilayan.
Bakit ako mawawalan
ng pag-asa kung
kaya ko namang ayusing
muli ang buhay ko?

Kaya ko.
Kaya ko kahit matatagalan
ako dito.

1 comment:

  1. Gusto Online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Followers

Heads' Up!