(Salin ni Ian Joseph Riñon, sa tono ng Agni Parthene.)
Magalak ka, Maria.
Napupuno ng grasya, Birhen at Reyna namin.
Magalak ka, Maria.
Maliwanag pa sa araw, matayog pa sa Langit.
Magalak ka, Maria.
O galak ng mga birhen at Reyna ng mga anghel.
Magalak ka, Maria.
Maliwanag pa sa Kalangitan, sariwa pa sa araw.
Magalak ka, Maria.
Banal higit sa kalahatang hukbo ng Kalangitan.
Magalak ka, Maria.
Maria, Birheng gabay ng tanang sangkatauhan.
Magalak ka, Maria.
Babaeng kalinis-linisan, Panagiang tuluyan.
Magalak ka, Maria.
Mariang Reyna ng tanan, sanhi ng kagalakan.
Magalak ka, Maria.
O Reyna ng sangkatauhan, Ina ng Kaligtasan.
Magalak ka, Maria.
Mapugay pa sa Kerubing nag-aalay ng awitin.
Magalak ka, Maria.
Mas marangal sa Seraping 'di masilay-silayin.
Magalak ka, Maria.
O Kerubin, kayo'y magalak, tuluyan siyang awitan.
Magalak ka, Maria.
O Serapim, kayo'y magalak, pati tanang mga banal.
Magalak ka, Maria.
Magalak, O kapayapaa't daong ng kaligtasan.
Magalak ka, Maria.
Sisidlan ng Kanyang Salita, bulaklak na walang hanggan.
Magalak ka, Maria.
Magalak, O Paraiso ng buhay na walang hanggan.
Magalak ka, Maria.
Magalak, O Puno ng buhay, Bukal ng kalualhatian.
Magalak ka, Maria.
Ngayon ay tinatawag kita, Birhen naming minamahal.
Magalak ka, Maria.
Pakinggan mo ang aking dasal, O Reyna ng sangkinapal.
Magalak ka, Maria.
Babaeng kalinis-linisan, O Birheng Panagia.
Magalak ka, Maria.
Kami ay tumatawag, O templong pinagpala.
Magalak ka, Maria.
Ako'y iyong ipagsanggalang sa 'king mga kaaway.
Magalak ka, Maria.
At gawing tagapagmana ng tinatamasang buhay!
Magalak ka, Maria!
No comments:
Post a Comment