Sunday, July 31, 2011

Grassroots: Ang Simula

Okay. Eto na.

Sa totoo lang, hindi ako sanay magsulat sa Filipino, lalo na sa mga blogs ko. Kaso, Agosto ngayon, at ipinagdiriwang ngayon ang Buwan ng Wika. Well, kailangan kong aminin na maganda ang wikang ito hindi lang dahil sa ito ang aking mater lingua, kundi ito rin ang nakagisnan ko sa araw-araw kong pamumuhay. Siguro naman kahit isang buwan man lang ay magbigay pugay ako sa nakasanayan ko, diba?

Ito ang simple kong dahilan kung bakit ko naisipang gawin ang Grassroots Project. Ito ay isang pagbibigay-pugay sa wikang Filipino habang tinatalakay pa rin ang mga napapanahong isyu sa Simbahan, sa ating bansa, at sa gampanin ng kommunikasyon sa ating lipunan. Ipapakita rin dito ang aking mga saloobin sa mga bagay ukol sa apolohetika, liturhiya, pagpapahalaga sa buhay, at iba pa. Sana rin ay makabuo ako ng mga tula. Isa pa, nais ko ring iwasan ang pagbibitaw ng masasamang salita, lalo na sa Alter Ego, dahil nababatid ko na mas naiintindihan ng mas nakakarami ang mga foul words sa Filipino.

So, sa ngayon, nangangapa pa ako kung ano ang susunod kong editorial dito, dahil talagang gusto ko talaga na magkaroon ng original na post; dahil kung susuriin nyo ang buong blog ko, halos lahat mga reposts mula sa ibang blogs at websites. Kahit na kine-credit ko sila sa abot ng aking makakaya, mas mainam na meron talaga akong sariling gawa.

Yun lang muna sa ngayon....

:D

No comments:

Post a Comment

Followers

Heads' Up!