Noong mga nakaraang araw, napapansin ninyo sa 100% Katolikong Pinoy na may admin na nagtatago sa alias na [JackHammer].
Gusto nyong malaman kung sino yun?
Madaling hulaan....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
SIGE NA NGA! AMININ KO NA!
Ako si JackHammer ng KP!
Ngunit bakit nga ba JackHammer?
Marami sa mga kilalang tao sa kasaysayan ay naturingan nang "martilyo" o "pamukpok":
Si Charles Martel (hango sa Latin na "martel" na ang ibig sabihin ay pamukpok) na naging matagumpay sa pagtatanggol sa Kristyanismo sa Europa noong malawakan ang paglaganap ng Islam noong Labanan sa Tours sa France.
Ang mga Church Fathers ay tinatawag na mga Ama ng Pananampalataya, at ilan sa kanila ay tinatawag ring "hammer of heretics" o mga "martilyo ng mga tampalasan". Ilan sa kanila ay si San Atanasio (St. Athanasius) na naging matagumpay laban kay Arius, na may argumentong si Kristo raw ay hindi Diyos (na hanggang sa ngayo'y ginagamit ng mga anti-Catholics), noong Council of Nicea. Kasama rin si San Cirilio (St. Cyril of Alexandria) na ipinahayag na si Maria ay ang Theotokos--ang Tagadala sa Diyos (the God-bearer)--ang Ina ng Diyos--at hindi lamang ina ng pagkatao ni Kristo, na isang kasinungalingan galing kay Nestorius.
Noong mga panahong lumalaganap ang Albigensian Heresy, si Santo Domingo de Guzman (opo, ang tagapagtatag ng Order of Preachers) ang naging masigasig na tagapagtanggol ng pananampalataya. Kalaunan, naitatag niya ang Orden na ngayo'y nagpapatakbo sa UST dito sa Pilipinas.
Marahil, maraming mga tao ang maaari nating tawaging pamukpok. Ngunit, ano kaya kung hindi lang simpleng martilyo ang instrumento upang wasakin ang mga maling hinala ng mga tao laban sa Simbahan? Ano kaya kung jackhammer ang gamitin?
Yun ang inspirasyon kung bakit tinawag ko ang sarili ko bilang si JackHammer.
Sa totoo lang, hindi inaasahan ang mga pangyayari. Nagulat na lang ako na isang araw, Admin na ako, at hindi sila nagjo-joke. Kungsabagay, dalawa sa mga admin namin ang nagbitiw dahil sa mga personal at confidential na bagay. So, common sense, upang mapuno kahit papaano ang puwang na iniwan nila, kailangan nilang pumili mula sa mga pinaka-aktivo naming mga miyembro upang ma-monitor na rin ang aming page, na sa ngayo'y lampas 100,000 na ang likes sa Facebook, at patuloy na pinupunterya ng ilang mga profiles na nais kaming i-discredit.
Mahirap maging Admin ng isang malaki at patuloy na lumalaking komunidad ng mga Filipinong Katoliko na nakakalat sa buong mundo; lalo na't isa akong college student na mayroon ring mga prioridad na dapat asikasuhin. Ngunit sabi nga, "DON'T QUIT". sa totoo lang, ginanahan pa nga akong maglingkod sa Panginoon sa aking mga ginagawa, ngunit mayroon pa rin akong kaba na baka sumosobra na ako; yung tipong baka isang araw, bigla lang humangin ang ulo ko. Syempre, ayokong mangyari yun.
"DON'T QUIT", for quitters never win; because quitters are losers.
Ito ang baon kong prinsipyo sa pagtanggap ko sa hamong ito. At ito rin ang isang motivation na pakabanalin pa ang aking sarili ayon sa nais ng Diyos.
Sa pamamagitan ng blog post na ito, pormal kong tinatanggap ang aking paghirang bilang isa sa mga Administrators ng 100% Katolikong Pinoy.
--Ian Joseph "JackHammer" Riñon,
Ika-24 ng Agosto, 2011
Kapistahan ni San Bartolome, apostol at martir.
St. Dominic our father was also called "hammer of heretics." You are in good company, kapatid.
ReplyDelete