Saturday, August 6, 2011

Grassroots: Common Ground

Sa isang pag-uusap isang gabi sa FX, napasarap ang kwentuhan namin ng isang kasama sa CA (Communication Arts) na isang Evangelical ("Born Again" Christian) habang kami'y papauwi mula UST. Maraming bagay ang aming napag-usapan, lalo na ang aming pag-aaral; at sa sobrang daldal ko, nasingit ko ang ang efecto ng naging Sexual Revolution sa Kanluran.

Laking gulat ko na napuna niya na may dalang problema ang pagpasa ng Reproductive Health Bill sa moral at socio-economical na aspeto ng ating lipunan. Hindi siya papayag na magalaw siya ng kanyang boyfriend (assuming na meron nga siya) unless maikasal sila. Nasagot ko naman na bilang lalaki, kailangan kong maging responsableng katipan (again, assuming na may girlfriend ako), respetuhin ang kanyang desisyon na hindi makikipagtalik hangga't hindi kasal, at kailangan kong kontrolin ang mga pagnanasa at pang-uudyok ng katawan (desires of the flesh, kumbaga).

Bilang mga Kristyano, napagsang-ayunan namin ang ilang nakasaad sa iisang basehan ng aming pananampalataya mula sa utos ng Panginoon sa paglilikha sa tao (Gen. 1:28), hanggang sa maaaring maging efekto ng contracepsion (ang kasalanan ng Sodom at Gomorrah), maging ang utos ng Diyos na "huwag kang papatay" kahit na hindi namin na-quote ito; kahit nga ang isyu tungkol sa controversiya na kinasangkutan ng PCSO ay nilagyan ng aral na "huwag ipaalam sa kaliwang kamay ang ginagawa ng kanan" (okay, hindi ko na alam kung anong verse yun...).

Sa huli, na-realize naming dalawa na kahit ako'y Katoliko at siya'y isang Evangelical, pagdating sa isyu ng pagpapahalaga sa buhay, may common ground kami--ang buhay ng tao, gaano man kaliit, ay may halaga; siguro nga, dapat no questions asked na 'yun.

2 comments:

  1. Mabuti naman po at kahit sa ganitong issue ay merong consensus between the two of you, I am just wondering if sa pinag-uusapan inyo siguro natackle ninyo ang issue of salvation by faith alone or if it was a 1 time event or a process? ganito rin kasi ang kinahahantungan ng mga pakikipag-usap ko sa mga BAs

    ReplyDelete
  2. Hindi kami nahantong sa ganung usapan, dahil mas napag-usapan namin ang mga buhay namin bilang mga college students. Kumbaga, parang may pagka-sideline lang ang nilalaman ng post na 'to sa buong conversation namin.

    ReplyDelete

Followers

Heads' Up!