Thursday, August 11, 2011

Grassroots: 100

Matapos ang isa't kalahating taon ng pagsusulat sa blog na ito, dumating na ako sa puntong tatlong numero na ang dami ng mga posts dito, at dahil na rin sa post na ito.

Mula sa pagiging isang hobby, ito'y naging isang Gospel reflection blog, reactionary blog, hanggang sa kung ano na ito ngayon--isang quasi-personal, Catholic commentary blog na may personal extension blog na tinatawag kong aking Alter Ego.

Napakapalad ko at nagagawa kong itapon ang aking mga saloobin sa ganitong paraan. Sana umabot ang mga posts ko sa 200, 300, 400, hangga't may gana pa akong mag-blog.

Maraming salamat po sa mga inyong patuloy na pagsuporta sa aking mga blogs sa pamamagitan ng pagbasa nito at sa mga nag-share nito sa abot ng kanilang makakaya.

No comments:

Post a Comment

Followers

Heads' Up!