Sa darating na ika-26 ng Agosto, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na dasalin ito sa Misa bago ang Huling Pagbabasbas:
PANALANGIN NG PAGBABAYAD-PURI
(Dadasaling nakaluhod)
Panginoong Jesu-Kristo, Anak ng Diyos na buhày,
dahil sa labis mong pag-ibig sa aming mga makasalanan,
nagkatawang-tao ka at nag-alay ng iyong buhay sa krus.
Nararapat kang pasalamatan, parangalan, at purihin,
ngunit may mga tao, na dahil sa maling paggamit ng kanilang kalayaan
ay nililibak ang inyong pagka-Diyos at ang karangalan ng iyong Ina
sa ng paglapastangan sa inyong banal na imahen at ituring itong sining.
Lubos kaming nababagabag at nahihiya, Panginoong Jesus,
kaya't kami'y buong pakumbabang lumuluhod
sa harap ng inyong dakilang kamahalan
upang humingi ng kapatawaran
mula sa iyong maawain at mapagpatawad na puso
sa walang pakundangang paglapastangan sa iyong karangalan.
Matindi ang aming pagkamuhi sa mga taong may kagagawan nito,
ngunit tinuruan mo kaming magpatawad tulad ng pagpapatawad mo sa amin.
Alam man nila ang kanilang ginagawa o hindi,
ipinapanalangin namin sila:
Panginoong Jesus, pagkalooban mo sila ng biyaya ng tunay na pagtitika
at imulat mo ang kanilang mga isip kung ano ang marangal at maganda,
kung ano ang nagbibigay ng mabuting halimbawa
at gumagalang sa paniniwala ng iba.
Ipinapanalangin din namin ang aming sarili:
Panginoong Jesus, pagkalooban mo kami ng biyaya
na mamuhay kami bilang mga tunay na Kristiyano
upang kami'y maging mga walang bahid mong kawangis
at mga buhày na saksi ng iyong pag-ibig at pagpapatawad.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Source: "Sense of the Sacred" ni Fr. Jojo Zerrudo
nice blog. ill be following ur blog from now on. if u want, u can also visit our blog. were parish youth leaders in immaculate conception cathedral pasig city. & im jay, their youth formation head & currently a seminarian in pastoral exposure. our blog name is pyconlineevangelization.blogspot.com. tnx!
ReplyDelete