Matatapos na ang isang buong buwan ng aking paghahamon sa sarili na mag-blog sa wikang nakasanayan. Tulad ng sinabi ko noong una, mahirap. Pero negotiable naman. Nakayanan ko. Ngunit dahil sa Ingles ang aking forte sa pagsusulat, at dahil nga matatapos na ang Buwan ng Wika, we'll go back to comprehension for my foreign viewers.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang Grassroots Project. Patuloy pa rin akong magsusulat sa Filipino (kahit panaka-naka) hanggang sa susunod na taon. But for now, I formally close Grassroots Month.
Sunday, August 28, 2011
Friday, August 26, 2011
Grassroots: Apat na Taon ng Splendor of the Church
Malugod kong binabati si Rev. Fr. Abraham "Fr. Abe" Arganiosa sa ikaapat na anniversaryo ng kanyang blog na The Splendor of the Church!
Sa isang personal na perspektivo, nakatulong ang blog ni Fr. Abe sa pagpapatatag ng aking pananampalataya at malaman kahit papaano ang mga taktika ng mga anti-Catholics; at kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako napadpad dito sa Blogspot. Marahil isa lamang ako sa maraming na-enlighten ng apologist-priest na ito sa pamamagitan ng "Splendor", ngunit masasabi kong nakatulong ito sa paghubog ng mga mas matitibay na Katoliko, at marahil ay makapag-produce pa ng mga converts patungo sa Katolisismo.
Muli, mula sa MSAG, Happy Anniversary sa The Splendor of the Church!
AXIOS!

Labels:
apologetics,
Axios,
Fr. Abe Arganiosa,
Grassroots,
Heads-up
Wednesday, August 24, 2011
Grassroots: Bakit JackHammer?
Noong mga nakaraang araw, napapansin ninyo sa 100% Katolikong Pinoy na may admin na nagtatago sa alias na [JackHammer].
Gusto nyong malaman kung sino yun?
Madaling hulaan....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
SIGE NA NGA! AMININ KO NA!
Ako si JackHammer ng KP!
Ngunit bakit nga ba JackHammer?
Marami sa mga kilalang tao sa kasaysayan ay naturingan nang "martilyo" o "pamukpok":
Si Charles Martel (hango sa Latin na "martel" na ang ibig sabihin ay pamukpok) na naging matagumpay sa pagtatanggol sa Kristyanismo sa Europa noong malawakan ang paglaganap ng Islam noong Labanan sa Tours sa France.
Ang mga Church Fathers ay tinatawag na mga Ama ng Pananampalataya, at ilan sa kanila ay tinatawag ring "hammer of heretics" o mga "martilyo ng mga tampalasan". Ilan sa kanila ay si San Atanasio (St. Athanasius) na naging matagumpay laban kay Arius, na may argumentong si Kristo raw ay hindi Diyos (na hanggang sa ngayo'y ginagamit ng mga anti-Catholics), noong Council of Nicea. Kasama rin si San Cirilio (St. Cyril of Alexandria) na ipinahayag na si Maria ay ang Theotokos--ang Tagadala sa Diyos (the God-bearer)--ang Ina ng Diyos--at hindi lamang ina ng pagkatao ni Kristo, na isang kasinungalingan galing kay Nestorius.
Noong mga panahong lumalaganap ang Albigensian Heresy, si Santo Domingo de Guzman (opo, ang tagapagtatag ng Order of Preachers) ang naging masigasig na tagapagtanggol ng pananampalataya. Kalaunan, naitatag niya ang Orden na ngayo'y nagpapatakbo sa UST dito sa Pilipinas.
Marahil, maraming mga tao ang maaari nating tawaging pamukpok. Ngunit, ano kaya kung hindi lang simpleng martilyo ang instrumento upang wasakin ang mga maling hinala ng mga tao laban sa Simbahan? Ano kaya kung jackhammer ang gamitin?
Yun ang inspirasyon kung bakit tinawag ko ang sarili ko bilang si JackHammer.
Sa totoo lang, hindi inaasahan ang mga pangyayari. Nagulat na lang ako na isang araw, Admin na ako, at hindi sila nagjo-joke. Kungsabagay, dalawa sa mga admin namin ang nagbitiw dahil sa mga personal at confidential na bagay. So, common sense, upang mapuno kahit papaano ang puwang na iniwan nila, kailangan nilang pumili mula sa mga pinaka-aktivo naming mga miyembro upang ma-monitor na rin ang aming page, na sa ngayo'y lampas 100,000 na ang likes sa Facebook, at patuloy na pinupunterya ng ilang mga profiles na nais kaming i-discredit.
Mahirap maging Admin ng isang malaki at patuloy na lumalaking komunidad ng mga Filipinong Katoliko na nakakalat sa buong mundo; lalo na't isa akong college student na mayroon ring mga prioridad na dapat asikasuhin. Ngunit sabi nga, "DON'T QUIT". sa totoo lang, ginanahan pa nga akong maglingkod sa Panginoon sa aking mga ginagawa, ngunit mayroon pa rin akong kaba na baka sumosobra na ako; yung tipong baka isang araw, bigla lang humangin ang ulo ko. Syempre, ayokong mangyari yun.
"DON'T QUIT", for quitters never win; because quitters are losers.
Ito ang baon kong prinsipyo sa pagtanggap ko sa hamong ito. At ito rin ang isang motivation na pakabanalin pa ang aking sarili ayon sa nais ng Diyos.
Sa pamamagitan ng blog post na ito, pormal kong tinatanggap ang aking paghirang bilang isa sa mga Administrators ng 100% Katolikong Pinoy.
--Ian Joseph "JackHammer" Riñon,
Ika-24 ng Agosto, 2011
Kapistahan ni San Bartolome, apostol at martir.

Tuesday, August 23, 2011
PANALANGIN NG PAGBABAYAD-PURI
Sa darating na ika-26 ng Agosto, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na dasalin ito sa Misa bago ang Huling Pagbabasbas:
PANALANGIN NG PAGBABAYAD-PURI
(Dadasaling nakaluhod)
Panginoong Jesu-Kristo, Anak ng Diyos na buhày,
dahil sa labis mong pag-ibig sa aming mga makasalanan,
nagkatawang-tao ka at nag-alay ng iyong buhay sa krus.
Nararapat kang pasalamatan, parangalan, at purihin,
ngunit may mga tao, na dahil sa maling paggamit ng kanilang kalayaan
ay nililibak ang inyong pagka-Diyos at ang karangalan ng iyong Ina
sa ng paglapastangan sa inyong banal na imahen at ituring itong sining.
Lubos kaming nababagabag at nahihiya, Panginoong Jesus,
kaya't kami'y buong pakumbabang lumuluhod
sa harap ng inyong dakilang kamahalan
upang humingi ng kapatawaran
mula sa iyong maawain at mapagpatawad na puso
sa walang pakundangang paglapastangan sa iyong karangalan.
Matindi ang aming pagkamuhi sa mga taong may kagagawan nito,
ngunit tinuruan mo kaming magpatawad tulad ng pagpapatawad mo sa amin.
Alam man nila ang kanilang ginagawa o hindi,
ipinapanalangin namin sila:
Panginoong Jesus, pagkalooban mo sila ng biyaya ng tunay na pagtitika
at imulat mo ang kanilang mga isip kung ano ang marangal at maganda,
kung ano ang nagbibigay ng mabuting halimbawa
at gumagalang sa paniniwala ng iba.
Ipinapanalangin din namin ang aming sarili:
Panginoong Jesus, pagkalooban mo kami ng biyaya
na mamuhay kami bilang mga tunay na Kristiyano
upang kami'y maging mga walang bahid mong kawangis
at mga buhày na saksi ng iyong pag-ibig at pagpapatawad.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
Source: "Sense of the Sacred" ni Fr. Jojo Zerrudo

Anti-Catholicism,
Grassroots,
Heads-up,
Social Issues,
The Heresies
Sunday, August 14, 2011
Grassroots: Maria, Pag-asa ng Muling Pagkabuhay
Ngayon, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit (at kaya pag-aakyat kasi iniakyat siya ng kanyang Anak). at may nagawa na akong dalawang tula sa previous posts ko bago nito: isang free verse at isang haiku.
At ngayon, ire-redirect ko kayo sa mga kapwa ko bloggers sa kanilang mga nai-post ukol sa araw na ito:
Ang pagpapaliwanag sa Assumption ni Maria mula kay Atty. Marwil Llasos, O.P.;
Isang Gospel Reflection;
at isang blog post ni Prof. Dave Ceasar Dela Cruz.

Grassroots: Hindi Mo Hinayaan
Hindi Mo hinayaan
na mabulok ang Iyong Ina sa katapusan
ng kanyang buhay,
ngunit, Iyong iniakyat upang
makatabi bilang Reyna.
Ang Bagong Eva'y
naglaho sa kanyang pagkatulog
at sa Langit na nagising
kung saan siya'y niluklok na Reyna
ng mga anghel, ng mga banal,
at ng tanang sangkatauhan.
Hindi na mawawala kailanman
ang Kaban ng Bagong Tipan,
sapagkat
nailuklok na ito bilang tanda ng
pag-ibig ng Santatlong Diyos
sa lahat ng Kanyang nilikha.
na mabulok ang Iyong Ina sa katapusan
ng kanyang buhay,
ngunit, Iyong iniakyat upang
makatabi bilang Reyna.
Ang Bagong Eva'y
naglaho sa kanyang pagkatulog
at sa Langit na nagising
kung saan siya'y niluklok na Reyna
ng mga anghel, ng mga banal,
at ng tanang sangkatauhan.
Hindi na mawawala kailanman
ang Kaban ng Bagong Tipan,
sapagkat
nailuklok na ito bilang tanda ng
pag-ibig ng Santatlong Diyos
sa lahat ng Kanyang nilikha.
Thursday, August 11, 2011
Grassroots: 100
Matapos ang isa't kalahating taon ng pagsusulat sa blog na ito, dumating na ako sa puntong tatlong numero na ang dami ng mga posts dito, at dahil na rin sa post na ito.
Mula sa pagiging isang hobby, ito'y naging isang Gospel reflection blog, reactionary blog, hanggang sa kung ano na ito ngayon--isang quasi-personal, Catholic commentary blog na may personal extension blog na tinatawag kong aking Alter Ego.
Napakapalad ko at nagagawa kong itapon ang aking mga saloobin sa ganitong paraan. Sana umabot ang mga posts ko sa 200, 300, 400, hangga't may gana pa akong mag-blog.
Maraming salamat po sa mga inyong patuloy na pagsuporta sa aking mga blogs sa pamamagitan ng pagbasa nito at sa mga nag-share nito sa abot ng kanilang makakaya.

Wednesday, August 10, 2011
Grassroots: Sa Wakas! AXIOS!
Naalala n'yo ba ang ginawa ng UST noong Ash Wednesday mga ilang buwan na ang nakakalipas?
Nai-post ko rin yun dito.
Yup... humatol na ang Guinness...
...
...
...
...
at sa wakas...
AT SA WAKAS! NASA GUINNESS WORLD RECORDS NA ANG UST! WOOOO!
SOLI DEO GLORIA: PATRIS, ET FILII, ET SPIRITUS SANCTI!
Axios, mga Tomasino! ¡Levante!
At dahil ito ang ika-99 na post sa MSAG, gagawin kong espesyal ang aking ika-100 post dito. ABANGAN.

human cross,
Humanae Vitae,
The See of Peter,
UST
Saturday, August 6, 2011
Grassroots: Common Ground
Sa isang pag-uusap isang gabi sa FX, napasarap ang kwentuhan namin ng isang kasama sa CA (Communication Arts) na isang Evangelical ("Born Again" Christian) habang kami'y papauwi mula UST. Maraming bagay ang aming napag-usapan, lalo na ang aming pag-aaral; at sa sobrang daldal ko, nasingit ko ang ang efecto ng naging Sexual Revolution sa Kanluran.
Laking gulat ko na napuna niya na may dalang problema ang pagpasa ng Reproductive Health Bill sa moral at socio-economical na aspeto ng ating lipunan. Hindi siya papayag na magalaw siya ng kanyang boyfriend (assuming na meron nga siya) unless maikasal sila. Nasagot ko naman na bilang lalaki, kailangan kong maging responsableng katipan (again, assuming na may girlfriend ako), respetuhin ang kanyang desisyon na hindi makikipagtalik hangga't hindi kasal, at kailangan kong kontrolin ang mga pagnanasa at pang-uudyok ng katawan (desires of the flesh, kumbaga).
Bilang mga Kristyano, napagsang-ayunan namin ang ilang nakasaad sa iisang basehan ng aming pananampalataya mula sa utos ng Panginoon sa paglilikha sa tao (Gen. 1:28), hanggang sa maaaring maging efekto ng contracepsion (ang kasalanan ng Sodom at Gomorrah), maging ang utos ng Diyos na "huwag kang papatay" kahit na hindi namin na-quote ito; kahit nga ang isyu tungkol sa controversiya na kinasangkutan ng PCSO ay nilagyan ng aral na "huwag ipaalam sa kaliwang kamay ang ginagawa ng kanan" (okay, hindi ko na alam kung anong verse yun...).
Sa huli, na-realize naming dalawa na kahit ako'y Katoliko at siya'y isang Evangelical, pagdating sa isyu ng pagpapahalaga sa buhay, may common ground kami--ang buhay ng tao, gaano man kaliit, ay may halaga; siguro nga, dapat no questions asked na 'yun.

Tuesday, August 2, 2011
Bakit Grassroots?
Nagtataka siguro kayo kung bakit tinatawag kong "Grassroots Project " ang ginagawa ko ngayon. Eto ang aking dahilan sa likod ng pangalan.
Ayon sa Merriam-Webster Online Dictionary, ang salitang "grassroots" ay nangangahulugang "basic" o "fundamental". Sa madaling salita, makabago, simple, nagsisimula pa lang. Pwede rin itong maisalin sa "original" at "sariling-atin". Alam ko na medyo off-the-topic ang mga pagsasaling ito, pero kahit papaano, malapit ito sa mga orihinal nitong kahulugan.
So, bukod dito, bakit ko naisip ang salitang "grassroots" para sa aking pagpupugay sa Buwan ng Wika?
Sa totoo lang, bigla ko na lang naisip ang salitang iyon upang magkaroon ng uniqueness ang aking gagawin sa mga susunod na araw; pero, naisip ko rin na hindi ako nagkamali sa pagpili ng salita dahil malalim din siguro ang aking pinaghuhugutan. Naaalala n'yo yung una kong editorial sa wikang Filipino? Double-meaning ata yun para sa akin, eh; of course, given na ang dahilan na Filipino ang aking mater lingua.. Kaya ako na-enganyong mag-blog ay dahil sa blog ni Fr. Abe Arganiosa na may pamagat na "The Splendor of the Church", na isang apologetic blog dahil na rin sa pagsagot niya sa mga binabatong tanong ng kanyang mga followers at mga kritiko sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Dahil sa kanya, na-expose ako sa mga bagay ukol sa Simbahan, pati na rin ang mga karaniwang akusasyon at misconcepcion sa Simbahang itinatag ni Kristo sa pamamagitan ni San Pedro. Ito rin ang una kong naging specialization nang sumali ako sa 100% Katolikong Pinoy (dahil ang pagiging pro-life at liturgy-lover ko ay sumunod sa pag-aspire ko na maging apolohista).
Bukod dito, isa rin itong pagpupugay, pagpapaliwanag, paglilinaw, at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa aking buhay at saloobin, at sa mga mahahalagang diskurso sa mga kapwa kong ordinaryong mamamayan at mananampalataya, kaya't mayroon rin akong mga maisusulat na mga anekdota at panitikan, partikular na sa huli ang mga tula (okay, mukhang mano-nosebleed na kayo sa lalim ng mga 'to! hahahahaha).
Kaya't nais ko sanang anyayahan kayo na tangkilikin ang "Grassroots Project" dito sa Media, Society, and God!

Subscribe to:
Posts (Atom)